Monday, March 19, 2012

Willie Revillame Airline is Wilfly

Hindi alam ng nakararami kung nagbibiro ang TV host na si Willie Revillame sa kanyang programang WilTime, Bigtime sa TV5 kamakailan lang nang sabihin niya ang tungkol sa latest at pinaplano raw niyang susunod a business, ang "Wil Fly."

        Inalok niya kasi ang mga contestants ng Kantanong kung gusto ng mga itong mag-training dahil parehong gustong maging flight stewardess.

        At kung "WilFly" nga ang next project ng TV host, hindi naman imposible dahil meron na siyang sariling eroplano na puwede nga niyang gawing negosyo.

        At na­- mention niya ring maaaring mga dignitaries ang kanyang maging kliyente o maging cargo plane raw. Sa ngayon, may sarili ng world-class mall at condo tower si Willie na tinatayo malapit lang sa ABS-CBN, ang former boss nya.