News stories from the Philippines and all other important information about the Philippine islands.
Saturday, September 23, 2017
Philippine House Bill 4982
Saturday, September 9, 2017
COA Report on the PNA reveals discrepancies with the 2017 GAA
PCSO Desk in Philippine Hospitals
NURSE NA SOLON INIHIRIT ANG PAGKAKAROON NG DAGDAG NA PCSO DESKS SA MGA OSPITAL
Nananawagan si Assistant Minority Leader at AANGAT Tayo Party-list Congressman Harlin Neil Abayon, III na dapat ay dagdagan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga desks nito sa mga ospital sa buong Pilipinas para mas makapaghatid ng tulong sa mga mahihirap na pasyente.
Sa ngayon kasi, meron lamang 45 na PCSO desks sa buong Pilipinas – 16 sa mga government hospitals sa Metro-Manila, 5 lamang sa mga probinsya, at 24 sa mga pribadong ospital.
"Nakakaawang makita na yung mga pasyenteng nangangailangan ng tulong ay kelangan pang magsadya at pumila sa tanggapan ng PCSO sa Shaw Blvd, Mandaluyong para lang makakuha ng tulong. Dapat gawing mas accessible ng PCSO ang ayuda nito sa mga mahihirap sa pamamagitan ng dagdag na PCSO desks," giit ni Abayon na isa ring registered nurse.
Sinabihan ni Abayon ang PCSO na magsumite sa Kongreso ng plano kung paano mas mapapabilis at mapapabisa ang implementasyon ng "At Source Ang Processing (ASAP)" Project ng PCSO para magkaroon na ng PCSO desks sa lahat ng 64 medical facilities ng Department of Health na binubuo ng 8 special hospitals, 24 medical centers, 18 regional hospitals, 6 district hospitals, and 8 sanitaria.
Sa ngayon, binubusisi sa House of Representatives ang budget ng bawat sangay ng gobyerno para sa taong 2018.
Bilin ni Abayon na dapat ang nakalagay na sa isusumiteng report ng PCSO ang mga bagong plantilla items, equipment, furniture, internet, at iba pang maintenance and operating expenses para matiyak na magkakaroon ng silbi at gagana nang mahusay ang mga ilalagay na PCSO desks sa mga ospital.