Saturday, August 1, 2020

No Free Covid Vaccine to Politicians

REP. LAWRENCE "LAW" H. FORTUN
Agusan del Norte 1st District
Member for the Minority,
Committee on Human Rights, Committee on Justice
One of House Authors, Crushing COVID-19 Act (HB 6865)
A lawyer by profession | Mobile number 09177292437

Mabuting ngayon pa lang magkaliwanagan na

NO FREE VACCINES, SPECIAL TREATMENT
FOR ALL GOVERNMENT OFFICIALS

[From division chief rank to highest-ranking in government]

Sa free vaccines for 20 million Filipinos, hindi dapat kasama kahit sinong opisyal ng gobyerno at kanilang pamilya, elected man o appointed o career official na may ranggong division chief pataas hanggang Pangulo.

Maging mabuting ehemplo po dapat tayo sa pagkakataong ito.

Personal na gastos dapat nila ang kanilang COVID-19 vaccine. Matataas ang kanilang sweldo at income, so kaya nilang magpabakuna sa pribadong sektor gamit ang sariling pera.

Puro mahihirap ang barangay health workers at kasama sila sa vulnerable sectors, so dapat kasama sila sa free vaccines for the  20 million Filipinos.

Nakasaad na sa House Resolution 6865 on PCR Testing ang listahan ng mga vulnerable sectors na dapat bigyan ng prayoridad sa free vaccines, pero dapat minus diyan ang mga government officials na Salary Grade 24 pataas.

Para naman sa mga hindi mabigyan ng free vaccines, nariyan dapat ang PhilHealth para sa partial subsidy sa mga middle income households, karaniwang empleyado, at informal workers. (END)