Thursday, July 2, 2020

REP. BERNADETTE "BH" HERRERA                       
Bagong Henerasyon Party-list
Secretary-General, The Party-list Coalition Foundation, Inc.
Deputy Majority Leader | Governor, Rotary Philippines RID3780
One of House Authors, (RA 11469) Bayanihan to Heal As One Act
0917-729-2437 Twitter: @BHherrerady

KINITANG INTERES NG DSWD SAP FUNDS NA NAKA-DEPOSITO SA BANGKO, DAPAT IPAMAHAGI RIN BILANG AYUDA
https://ph.mikeligalig.com

Malamang kumita na ng dalawang buwang interes ang P100 billion para sa Social Amelioration Program na hindi pa ipinapamahagi ng DSWD hanggang ngayon, ayon kay Bagong Henerasyon Party-list Rep . Bernadette Herrera.

Hindi bababa sa P160 million ang interest income na kinita ng P100 billion  kung ang pagbabatayan ay ang Land Bank savings account interest rate, ani Herrera.

Sa kanyang tantiya, hindi bababa sa 20 libong dagdag na beneficiaries ng SAP ang matutulungan kapag ipinamahagi sa kanila ang interest income ng P100 billion.

Dagdag ni Herrera na dapat magkusa na ang Land Bank at iba pang bangko kung saan nakadeposito ang SAP funds, na i-report sa madla kung magkano ang eksaktong halaga ng interest income at magkano ang hindi pa naipamahagi na DSWD SAP funds na nakadeposito pa rin sa kanila.

"Isipin sana nilang maiibsan ang paghihirap ng maraming pamilya kung mapapakinabangan ang interes," ani Herrera.

"Those are funds meant for the beneficiaries, not for anyone else, so they must be spent as intended in the Bayanihan To Heal As One Act", aniya. (WAKAS)