Saturday, July 25, 2020

Philhealth Scam

REP. JOCELYN P. TULFO
ACT-CIS Party-list
Member, Committee on Social Services
https://www.facebook.com/jocelyntulfoinaction/ | 09177292437

WHISTLEBLOWER PROTECTION PANAWAGAN NI REP. TULFO PARA SA NAGBITIW NA PHILHEALTH ANTI-FRAUD OFFICER

Seguridad para sa isang whistleblower ang kailangang ibigay sa nag-resign na PhilHealth anti-fraud officer, ayon kay ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo, dahil sa bigat ng mga paratang ng katiwalian ng kawani laban sa ahensiya.

Ani Tulfo, maaaring ibigay ang whistleblower protection ng Department of Justice, ng civil society groups, at ng mga institusyon tulad ng mga simbahan na kilalang nagbibigay ng sanctuary.

"Whistleblower witness protection measures must be provided to Atty Thorrsson Montes Keith, the anti-fraud officer who has resigned from PhilHealth. The protection measures can be mounted by the National Bureau of Investigation or by civil society groups or institutions who can provide safe sanctuary," ani Tulfo.

"I ask Justice Secretary Menardo Guevarra to order the NBI to immediately take action, including proper investigation of the accusations the former PhilHealth anti-fraud officer has hurled at PhilHealth," pahayag ni Congresswoman Tulfo.

Hiniling din ni Tulfo sa Commission on Audit at Office of the Ombudsman na maglunsad ng sarili nilang imbestigasyon ayon sa kanilang mandato sa Konstitusyon.

"Preventive measures are also necessary, including specific orders to preserve documents and hold departure orders for if and when formal charges are filed," ani Tulfo.

Dagdag niya, hindi dapat maapektuhan ng anumang imbestigasyon ang operasyon ng PhilHealth lalo na't hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic.

"PhilHealth must also fully cooperate with all investigations on the graft and corruption allegations," aniya. (WAKAS)