Friday, May 28, 2021

VAT-exemption sa electricity at water bills ng mga seniors

REP. RODOLFO "OMPONG" ORDANES
SENIOR CITIZEN Party-list
Chair, Committee on Senior Citizens - 09177292437
·      Mula sa 5 percent itataas ang diskwento sa 10 percent
·      VAT-exemption sa electricity at water bills ng mga seniors
·      Discount sa first 150 kwh at first 50 cubic meters

BREAKING NEWS: MAS MALAKING DISKWENTO SA ELECTRICITY at WATER BILLS NG MGA SENIOR CITIZENS PASADO NA SA HOUSE COMMITTEE ON SENIOR CITIZENS

Aprubado na sa House Committee on Senior Citizens ang House Bills 1903 (Rep. Mark Go) at 3040 (Reps. Estrelita Suansing, Horacio Suansing) na naglalayong itaas ang diskwento ng mga Senior Citizens sa mga bayarin sa tubig at kuryente.

Ayon sa napagkasunduan ng mga mambabatas sa Committee na pinamumunuan ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes, mula sa kasalukuyang 5 percent na diskwento lamang na itinatadhana sa Expanded Senior Citizens Act (RA 9994), itataas na ang diskwento ng mga senior citizens sa 10 percent.

Paliwanag ni Rep. Ordanes, "bukod sa dinoble natin yung diskwento sa tubig at kuryente, mas pinalawak pa ang sakop nito. Sa ngayon kasi, yun lang mga seniors na kumukonsumo ng 100 kwh sa kuryente at 30 cubic meters sa tubig ang eligible sa discount. Ibig sabihin, kapag mas mataas dyan ang konsumo ng seniors, wala siyang makukuhang discount."

"Sobrang limiting po nyan at halos walang saysay dahil ang average na konsumo ng kuryente at tubig ng bawat household ay nasa 200 kwh at 50 cubic meters; kaya halos walang nakaka-avail ng outdated na discount na iyan," diin ni Ordanes.

"Kapag naisabatas ang panukala, mag-aaplay ang diskwento sa first 150 kwh na konsumo sa kuryente at sa first 50 cubic meters na konsumo sa tubig," paliwanag ni Ordanes.

"Wait there's more," pahabol ni Ordanes, "bukod sa mas mataas na discount, hindi  na rin sisingilin ng value added tax ang electricty bills at water bills na nakapangalan sa mga senior citizens, kaya't tiyak na mararamdaman ng ating mga nakatatanda ang ginhawa kapag naisabatas na ito."

The secretariat of the Committee on Senior Citizens is finalizing the report so that it can be forwarded right away to the Committee on Rules which will calendar it to plenary deliberations and eventually be put into vote by all House lawmakers.

Panawagan ni Ordanes sa mga power distributors gaya ng MERALCO at water companies gaya ng MAYNILAD at MANILA WATER, na tiyaking magiging madali at walang hassle sa pag-avail ng mga seniors sa kanilang nasa batas nang diskwento.

"Senior citizens wishing to avail of power and water discounts should start applying now for the perks that are now in effect under the present law so that when the updated law takes effect, the seniors can enjoy the discounts right away," payo ni Ordanes.

In the case of MERALCO, for instance, eligible senior citizens can go to any Meralco Business Center to bring proof of age and citizenship, proof of residence, and proof of billing. The applications will be processed within 15 days and the discount, if approved, will be applied during the next billing period.

Ang diskwento ay "granted per household, regardless of the number of senior citizens residing therein," tagubilin ng RA 9994. (END)