Thursday, February 25, 2021

Sinovac Vaccine for Filipino Soldiers

SINOVAC PARA SA 2.7 MILYONG PINOY SA ARMED SERVICES SECTOR; NATIONWIDE MGCQ PAGHANDAAN NA DIN

Kaugnay sa mga desisyon ng Food and Drug Administration ukol sa emergency use authorization para sa Sinovac, nauna nang naging mungkahi ni House Deputy Speaker Bernadette Herrera na italaga ang  sapat supply ng Sinovac para sa mga sundalo at pulis, ang mga iba pang armadong kawani ng gobyerno at ang lahat ng kanilang pamilya pati na ang mga retirado.

Kasunod ng matagumpay na pagpasa ng House Bill 8648 na bumuo ng P500 million indemnification fund para sa severe adverse reactions, ipinaalala ni BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co, na dapat pa rin kumilos ang ilang ahensiya ng gobyerno upang gampanan nila ang kanilang mga insurance and compensation roles ayon sa kani-kanilang charter.

Nais niyang kumilos na ang Employees Compensation Commission, Insurance Commission, GSIS, SSS, at PhilHealth.

"I suggest that the PhilHealth Board of Directors immediately approve a new resolution providing the packages and rates for the PhilHealth coverage of possible adverse reactions to COVID vaccines requiring medicines and hospitalization," ani Rep. Co malapit nang magkaroon ng P500-million indemnification fund.

Kasama sa HB 8648 ang suhestyon ni House Deputy Speaker Herrera na sundin ng mga local government units ang vaccination prioritization ranking ng vulnerable sectors.

"When LGUs with the financial means buy their vaccines, it follows that the national government would have more vaccines for the LGUs which are not as financially able. The reality on the ground is neighboring cities and towns help each other because it is in their natural interest as neighbors to do so. One LGU is not safe from COVID-19 if its neighboring LGU is not, so the natural and logical course of action would be to help each other.  Community health is a cross-border mutual interest," paliwanag ni Deputy Speaker Herrera.

SINOVAC PARA SA ARMED SERVICES SECTOR

Paliwanag ni Herrera, ang ekslusibong allocation ng Sinovac para sa armed services sector ay magreresulta sa herd immunity para sa buong sektor.

Kasama sa mungkahi ng Bagong Henerasyon Party-list congresswoman ang mga ahensya ng Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, at Office of Transportation Security.

Tinatayang aabot sa 2.25 milyon hanggang 2.67 milyong katao maaaring mabakunahan sa armed services sector ayon sa mungkahi ni Deputy Speaker Herrera. Kabilang dito ang 155 libong military at civilian personnel sa Department of National Defense at 290 libo sa pinagsamang bilang ng mga armado at sibilyang kawani ng Department of Interior and Local Government at Department of Transportation.

Mas madali pa aniya ang pagsasagawa ng pagbabakuna sa kanila at pati na rin ang monitoring sa bisa ng bakuna at anumang kaunting adverse reaction.

SIMULAN NA ANG TRANSITION TO 'NEW NORMAL' SA ILALIM NG MGCQ

Bilang paghahanda sa "new normal" na Modified General Community Quarantine para sa buong bansa,   dapat pag-ibayuhin ang minimum health and safety protocols kontra COVID-19, ayon sa BHW Party-list.

"Consistent safety protocols will let us live new normal lives despite the coronavirus," ayon kay Rep. Angelica Natasha Co. "It is time to gradually overcome our collective fear of the virus but not letting our guard down.  We cannot keep staying inside our homes in fear of the virus. We must face our fears safely."

Ipinaaalala ni Rep. Co na ang sitwasyon ngayon ay ibang iba na sa 2020.

"We all know better now how to defend ourselves, much more than a year ago when COVID-19 surprised all of us. We can phase into the new normal while being always protected by proper wearing of face masks and face shields, frequent washing of hands with soap and water, and keeping safe distance," aniya.

Pabor ang BHW Party-list sa mga dagdag na safety measures sa mga sinehan at restaurants.

"For the movie theaters, I suggest screening protocols prior to entry, banning all food and drinks inside the theaters, wearing face mask and face shield, contact tracing QR codes, requiring moviegoers to bring rubbing alcohol for their personal use, and keeping the doors open for continuing circulation of air," ani Rep. Co.

"For the restaurants, I suggest more outdoor dining options and keeping the doors and windows open for  fresh air circulation. Outdoor dining alternatives can include allowing closing select streets to traffic to allow sidewalk and on-street dining on specific days like Fridays to Saturdays.

Kasabay ng paghahanda sa pagdating ng COVID vaccines, mayroon aniya dapat na "aggressive roll out of flu vaccines and vitamins to boost the health defenses of citizens especially the younger ones." see

Payagan rin aniya sana ng mga may-ari ng mga bakanteng lote ang mga barangay na magamit ang mga lote para sa urban gardens ng gulay at prutas. Namimigay dapata ang mga barangay ng personal hygiene kits at face masks sa mga dukha.

Nilinaw naman ni Rep. Juliette T. Uy ng Misamis Oriental na hindi agaran ang implementasyon ng  Commission on Higher Education at Department of Health ng kanilang Joint Memorandum Circular sa pagbubukas muli ng ilang kurso ng ilang kolehiyo at unibersidad dahil maraming kondisyon ang circular na kailangan pang maisakatuparan.

Sinabi na dati ni Rep. Uy na binabalangkas pa lamang ng Department of Education ang mga patakaran nito sa pagbubukas ng mga paaralan sa senior high school at junior high school.

"The gradual reopening of schools will decongest our homes, release the stress build-up among students and parents, and rekindle local economies which are sustained by economic activities revolving around campuses, students, and teachers" ani Uy na kasapi ng House Committee on Basic Education and Culture. (WAKAS)

Contact information – 0917729243
Rep. Bernadette Herrera – Deputy Speaker
Bagong Henerasyon Party-list
Rep. Juliette Uy – Vice-Chair, Committee on Appropriations
Misamis Oriental 2nd District
Rep. Angelica Natasha Co – Member, Committee on Health
BHW Party-list

Wednesday, February 17, 2021

Statement of Atty. Vic Rodriguez

February 16, 2021
Refer to: Honey Rose Mercado
(+63 917 840 1277)
Statement of Atty. Vic Rodriguez, spokesperson of former Senator Ferdinand Marcos, Jr.

Based on the official pronouncement made by the Presidential Electoral Tribunal today, the court unanimously voted to dismiss our second cause of action which is the manual recount and judicial revision.

However, as to the issue on how to proceed with our third cause of action which is the annulment of votes in Mindanao, the Tribunal has yet to decide on the matter.

OFFICE OF FERDINAND "BONGBONG" R. MARCOS, JR.
G/F Sunset View Towers
2230 Roxas Boulevard, Pasay City
Philippines
Telephone:  +63 (02) 8821-4591
Facsimile:  (+63.2) 8821-4589
info@bongbongmarcos.com
http://www.bongbongmarcos.com 

Wednesday, February 10, 2021

ASF Problem in the Philippines

REP. BERNADETTE "BH" HERRERA                       
Bagong Henerasyon Party-list
Deputy Speaker | Governor, Rotary Philippines RID3780
Secretary-General, The Party-list Coalition Foundation, Inc.
0917-729-2437 Twitter: @BHherrerady
Mobile  number 09177292437

Tugunan agad ang ASF, communal hog raising isa sa mga solusyon, ayon kay Deputy Speaker Herrera

APEKTADO NG INFLATION ANG BUDGET NG MGA MAHIHIRAP KONTRA COVID-19

Nangangamba si House Deputy Speaker Bernadette Herrera na hihina ang panlaban kontra COVID-19 ng mga mahihirap dahil sa pagtaas ng mga presyo ng baboy, gulay, at manok.

Ipinaaalala rin ng Bagong Henerasyon Party-list congresswoman sa DOH at DSWD na kailangang tuparin ng pamahalaan ang pangako nitong pamamahagi ng libreng face masks para sa mga mahihirap.

Kailangan rin aniyang paalahanan ang publiko na madalas labhan ang mga ginagamit nilang cloth face mask upang hindi pamahayan ng mikrobyo ang materyales nitong tela.

Dahil mas mataas ang presyo ngayon ang pagkain, nababawasan tuloy ang budget ng mga mahihirap pambili ng face masks, face shields, skin soap, rubbing alcohol, toothpaste, toothbrushes, mouthwash, at iba pang essential personal hygiene items "which are also necessities in this time of COVID-19 pandemic", ayon kay Herrera.

Hindi sana tumaas ang presyo ng baboy kung inagapan agad ng Department of Agriculture ang swine flu noong 2019 nang sa dalawang probinsiya pa lang kumalat ang swine flu.

"Kumalat ang ASF sa mga babuyan dahil wala o kulang ang safety protocols na ipinatupad. That is why we need shift from backyard hog raising to communal with better measures against ASF and other livestock diseases," aniya.

"Kapag sama-sama mag-alaga ng baboy ang mga residente ng isang barangay sa mga piling lugar, makakayanan nila ang gastusin kontra ASF, food safety, at minimum health protocols," dagdag niya. (WAKAS)