Daan-daang katao na kinabibilangan ng local media, mag-aaral, empleyado at kamag-anak ng mga nasawing media practitioners ang nagsindi ng kandila sa Koronadal City roundaball pagkatapos ng Candlelight March mula sa compound ng Provincial Capitol.
Nakisabay rin sa Protest March ang mga kagawad ng national media na kasalukuyang nasa Koronadal City upang mangalap ng impormasyon hinggil sa kahindik-hindik na insidente ng pamamaslang sa mga kagawad ng media, sibilyan at mga kamag-anak ng Mangudadatu ng ng bayan ng Buluan sa Maguindanao.
Naging madamdamin ang pagbibigay ng pananalita ng mga kagawad ng local media kasabay ng pagkondena sa karumal-dumal na krimen at panawagan sa pamahalaan ng katarungan para sa mga pamilya ng mga nabiktima ng tinaguriang Maguindanao Massacre na kumitil sa buhay ng mahigit limampu't pitong buhay.
Sa pamamagitan ng South Cotabato Provincial Information Office, nagbigay na rin ng tulong si governor Daisy Avance-Fuentes sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.
No comments:
Post a Comment