Saturday, November 23, 2019

Payo ni Dr Willie Ong

Bakit nambababae si Mister

Ito ay dahil sa isang kemikal sa ating katawan na kung tawagin ay Dopamine.

Kapag umiibig ang isang tao, tumataas ang Dopamine sa kanilang katawan. Ang kemikal na Dopamine ang nagbibigay ng pagkakilig at "high na high" na pakiramdam. Hinahanap-hanap ito ng katawan.

Ngunit pagkatapos ng 9 na buwan hanggang mga 3 taon ay unti-unti nang bumababa ang Dopamine sa ating katawan. Kapag nangyari ito, puwede nang magsawa si Mister (o si Misis) at dito na pumapasok ang temptasyon na humanap ng iba.

Ngunit huwag mangamba dahil mayroon akong payo kung paano pananatilihing mataas ang Dopamine sa katawan:

1. Para manatiling excited si Mister (at mataas ang kanyang Dopamine), bagu-baguhin ang iyong hitsura. Baguhin ang kulay ng iyong buhok at magpa-parlor.

2. Mag-date kayo ni Mister sa isang panibagong lugar. Para bang nagha-honeymoon kayo muli.

3. Bigyan ulit ng regalo, greeting card o love text ang minamahal. Huwag siyang balewalain. Ibalik muli sa isipan ang inyong pagliligawan.

4. May mga ekspertong nagpapayo na puwedeng magtalik sa iba't ibang lugar para manatiling kapana-panabik ang inyong sex life.

5. Magsuot ng sexy na panloob. Iyan ang sikreto para biglang tumaas ang Dopamine ng mga kalalakihan. Kapag matagal na kayong nagsasama at marami nang anak, ay medyo magsasawa na si Mister.

6. Maligo palagi para laging mabango at kaakit-akit.

7. Huwag maging nagger. Kapag lagi mong sinisigawan si Mister, maghahanap siya ng karinyosang babae.

8. Magpapayat. Naka­sisira ng sex life ang pagiging mataba. Sa mga so­brang overweight na lalaki, nagiging maikli rin ang ka­nilang pagkakalaki dahil sa laki ng tiyan. Magpapa­yat ng 30 pounds at haha­ba ng 1 inch ang iyong pag­ kalalaki.

9. Mag-usap nang ma­sinsinan. Payo sa mga la­laki: Ang mga babae ay mas na-e-excite sa emos­yonal na pangangailangan (pagmamahal) at hindi lamang sa pisikal na aspeto ng sex. Lagi-laging suyuin si Misis. Ito po ang aking mga payo para manatiling masaya ang inyong pagsasama.

By Dr. Willie T. Ong

No comments: