Friday, June 12, 2020

Senior Citizens in the Time of Pandemic

REP. FRANCISCO GAMBOA DATOL, JR.
SENIOR CITIZEN Party-list
Chair, Special Committee on Senior Citizens
09177292437 mobile number

HEALTHY SENIORS DAPAT PAYAGANG MAGTRABAHO AT LUMABAS NG BAHAY - https://pr.mikeligalig.com

[Datol naghain ng HR 931 at HR 950 naglalaman ng mga hakbang habang may pandemic]

Nanawagan si Senior Citizen Party-list Rep. Francisco Datol. Jr. sa IATF kontra COVID-19 na payagang lumabas ng kani-kanilang tahanan ang mga senior citizen na wala namang "underlying medical conditions" na nagpapataas ng panganib na mahawahan ng kumakalat na coronavirus.

"Hindi naman kasi lahat ng seniors ay mahina ang kalusugan o mayroong sakit sa puso, diabetes, or immunity compromised. Maraming senior ang very healthy naman kahit tumanda na. Payagan naman sana sila lumabas sa mga kasalukuyang quarantine levels," pakiusap ni Datol, Chair ng House Committee on Senior Citizens sa IATF.

"Pag hindi na natin pinapalabas yung senior citizens ay di man sila mamatay sa COVID-19 ay mamamatay naman sila dahil hindi sila nakakapaghanap-buhay o dahil sa kalungkutan sa kanilang mga tahanan," sambit ng senior citizen na mambabatas.

Naghain si Congressman Datol ng dalawang resolusyon tungkol sa COVID-19 pandemic nitong mga nakaraan araw. Ang unang HR 931 patungkol sa pagpapayag sa healthy seniors na lumabas ng bahay. Layunin ng HR 931 na imbestigahan ng angkop na komite ng Kamara ang pagpapatupad ng quarantine measures.

Ang ikalawang resolusyon, HR 950, inihain ni Datol ay tungkol naman sa pag-postpone na pagbubukas ng mga klase sa mga paaralan hanggang wala pang aprubadong bakuna para sa tao sa Pilipinas.

"Ilayo natin dapat ang mga kabataan sa coronavirus," ani Datol.

Binigyang-diin ni Datol na ang seniors na healthy at kailangang magtrabaho para sa kanilang mga pamilya ang dapat prioritized na payagan lumabas ng bahay.

"Maraming seniors sa opisina, factory, at field nagtatrabaho. Halimbawa ay drivers ng  tricycles, TNVS units, FX units, buses, motorsiklo, at cargo trucks. Basta ba healthy sila, payagan dapat lumabas ng bahay para maghanap-buhay," ani Datol. (WAKAS)

No comments: