REP. FRANCISCO GAMBOA DATOL, JR.
SENIOR CITIZEN Party-list
Chair, Special Committee on Senior Citizens
09177292437 mobile number
PAG-UWI NG LABI SA PINAS - https://ph.mikeligalig.com
OFWs NA NAMATAY SA COVID-19, PINABIBIGYAN NG MILITARY HONORS, BAYARIN SA PAGPAPALIBING, PINASASAGOT DIN
Nararapat umanong gawaran ng full military honors ang labi ng mga overseas Filipino workers na namatay sanhi ng COVID-19 habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa ibang bansa, yan ang nilalaman ng House Resolution 1027 na inihain ni Senior Citizen Party-list Rep. Francisco G. Datol, Jr.
"OFWs have been regarded as our modern-day heroes as they have made significant contributions to the Philippine economy and have sacrificed and toiled under difficult physical, emotional, social, and mental conditions abroad for the sake of their loved ones in the Philippines," paliwanag ni Datol sa kanyang resolusyon.
Sa tala ng Department of Foreign Affairs, umabot na sa 8,679 ang bilang ng mga OFWs na dinapuan ng COVID-19 sa ibang bansa. 577 sa kanila ang nasawi sanhi ng komplikasyong dulot ng virus habang malayo sa kanilang pamilya.
Paliwanag ni Datol, hindi lamang ang mga sundalo, mga beterano ng digmaan, at mga pambansang alagad ng sining ang maaaring pagkalooban ng full-military honors. Pasok din sa itinatadhana ng Flag and Heraldic Code of the Philippines (Republic Act 8491) ang mga sibilyan na nagpamalas ng natatanging serbisyo sa bansa. Pasok dyan ang mga OFWs giit ni Datol.
Kung maaaprubahan ng parehong kapulungan ng Kongreso ang resolusyon, bawat OFW na nagbuwis ng buhay sanhi ng COVID-19 sa abroad ay kikilalanin sa pamamagitan ng full military honors na kabilang ang mga sumusunod:
· A flag-draped casket,
· A vigil guard detail,
· 21-gun salute,
· Taps, and
· Defrayment of their funeral expenses
"It is the constitutional and moral duty of Congress to ensure that our OFWs get the proper recognition that they rightfully deserve for their distinguished service and sacrifices for our nation," diin ni Datol, Vice-Chairperson ng House Committee on Foreign Affairs. (END)

No comments:
Post a Comment