Friday, January 15, 2021

Covid Vaccine Program in Philippines

REP. BERNADETTE "BH" HERRERA                       
Bagong Henerasyon Party-list
Deputy Speaker | Governor, Rotary Philippines RID3780
Secretary-General, The Party-list Coalition Foundation, Inc.
0917-729-2437 Twitter: @BHherrerady
Mobile  number 09177292437
Paggawad ng Philippine FDA ng EUA sa Pfizer vaccine, ikinatuwa sa Kamara

REPUTASYON NG VACCINE DEVELOPERS, IMPORTANTE SA KUMPIYANSA NG PUBLIKO SA VACCINATION PROGRAM

Malaking bagay ang reputasyon ng gumawa ng mga bakuna sa pagtanggap ng publiko sa COVID-19 vaccines, ayon kay House Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy bilang reaksyon sa mga pag-apruba ng Food and Drug Administration sa bakuna ng Pfizer para sa emergency use authorization at sa Phase 3 clinical trials ng bakuna ng Janssen Pharmaceuticals ng Johnson & Johnson.

Nakikita ni Rep. Herrera ng Bagong Henerasyon Party-list ang "solid track record" ng dalawang higanteng kumpanya at makakatulong upang lumakas ang "acceptance of their COVID vaccines."

"Upon the strong foundation of trust, our country now has the means to defeat the coronavirus, especially here in Metro Manila, as well as in a few other urban centers," aniya.

Inaasahan ng congresswoman na unang prayoridad ang health care frontliners at ang mga tao na magbibigay ng bakuna sa mga tao.

"It is now up to the authorities and their partners to make sure the vaccines are given swiftly," aniya.

Tiwala ang deputy speaker na sapat ang mga "cold storage chain" facilities sa Metro Manila at iba pang mauunlad na lungsod sa bansa.

No comments: