Sunday, January 24, 2021

TRAIN Law for Importing Covid Vaccine

REP. ANGELICA NATASHA CO
BHW Party-list | Member for the Minority,
Appropriations, Health, and 12 other Committees
09177292437 | https://www.facebook.com/BHWPhilippinesOfficial/

RA 10863, TRAIN LAW MAAARING BASEHAN PARA MAGING IMPORT TAX-FREE ANG MGA COVI9-19 VACCINE, GAMOT, TESTING KIT

Nakasaad sa Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863) sa mismong Section 1609 nito ang mga paaran upang maibaba ang halaga ng buwis sa mga imported COVID-19 vaccines, gamot, at testing kits, ayon kay BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co.

Nasa kamay ng NEDA ang susi upang magamit ang RA 10863 para hindi na kailangang maghintay ng batas mula sa Kongreso, ani Rep. Co, kasapi ng Committee on Economic Affairs sa Kamara.

"Section 1609 gives the Executive Branch, via NEDA, authority to change the import duties or the classification of products through recommendation to the President. The import duties can be suspended and import restrictions can be modified," punto ng kinatawan ng mga barangay health workers sa Kongreso.

Maaari ring gamitin ang TRAIN Law bilang dagdag paraan upang mura ang halaga ng pagbabakuna para sa mga mahihirap dahil mayroong probisyon TRAIN Law para sa anuman social safety net na maisipan ng gobyerno para sa mga, aniya.

Tungkol naman sa iba't ibang fees at procedures sa Bureau of Customs, marami sa mga ito pwedeng isantabi muna ng Department of Finance at BoC dahil nagawa na ito dati tulad noong 2019 noong kinailangang paramihin ang supply ng pagkain sa pag-import upang mapabagal ang inflation, paalala ni Congresswoman Co. (WAKAS)

No comments: