Nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang isang batas na nagtatatag ng Bacolor Rehabilitation Council (BRC) na may layuning tapusin at kompletuhin ang rehabilitasyon ng bayan ng Bacolor, Pampanga na natabunan ng lahar, volcanic ash at debris sa pagputok ng Mt. Pinatubo noong 1991.
Kabilang sa mga isasagawa ng BRC ay ang pagbuo ng comprehensibong plano para sa pagsasaayos ng nabanggit na bayan na isusumite kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para sa approval at ang masusing pagmomonitor para sa pag-unlad at implementasyon ng ginawang rehabilitation plan.
Ang Senate version ng nabanggit na batas ay inaprubahan sa ikatlo at final reading nito noong ika-8 ng Setyembre taong kasalukuyan na orihinal na isinumite ni Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III, chairman ng Senate committee on local government.
Sa ilalim ng batas, mahigit P1.5 bilyon na special funds nito ay kukunin sa 2009 General Appropriations Act (GAA) para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga lugar na naapektuhan ng lahar. - PIA
No comments:
Post a Comment