Pinapurihan ng UN Secretary General at ng "Group of Friends on Myanmar" ang ASEAN-led Humanitarian Operations na matagumpay na nanguna sa pag-abot ng tulong sa mga biktima ng Cyclone Nargis sa Myanmar.
Sa pagpupulong ng "Group of Friends on Myanmar" na pinangunahan ni UN Secretary General Ban Ki-moon, taos puso nitong pinasalamatan si ASEAN Secretary General Dr. Surin Pitsuwan sa maayos na pangangasiwa at pagbibigay suporta nito sa Tripartite Core Group sa Yangon na nakikipagtulungan sa isinasagawang humanitarian operations.
Pinapurihan din ni Mr. Javier Solan, High Representative ng European Union (EU) ang ASEAN-led Humanitarian Operations kung saan sa pamamagitan nito nagkaroon ng pagkakataon ang international community na makipagtulungan sa ASEAN at Myanmar.
Malugod namang pinasalamatan ni Dr. Surin ang UN Secretary General sa suporta nito sa isinagawang humanitarian operations sa Myanmar kasabay ng pag-asang patuloy na susuportahan ng UN ang isasagawang humanitarian operations sa hinaharap. - PIA
No comments:
Post a Comment