Sunday, May 31, 2020

How to Covid Mass Testing in the Philippines

DISKARTE KUNG PAANO ISASAGAWA ANG MABILIS, SISTEMATIKO, AT MALAWAKANG COVID-19 TESTING SA BANSA, IDINETALYE

By Rep. Jocelyn Tulfo (ACT-CIS Party-list)
Mobile: 09177292437

Napapanahon ang panawagan ni congresswoman Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS Party-list na plantsahin ang ilang detalye ng large scale testing.

Kakaapruba lamang po ng House Committee on Defeat COVID-19 yung P1.3 trillion economic stimulus for 2020, 2021, at 2022.

At kasali po sa economic stimulus bill na ito ang P20 billion na budget para sa mass testing.

Imbes na mass testing, large scale testing ang gamitin nating termino kasi ito yung terminong ginagamit ng W.H.O.

Bakit importanteng maisasagawa ang large scale testing?

Kasi po kailangan ang large scale testing para magkaroon ng malinaw at kumpletong picture ang ating gobyerno kung sino ang mga maysakit, ilan ang may sakit at nasaan sila para maunahan na ng ating mga experto ang pagkalat ng sakit.

At matukoy kung sino ang mga taong may COVID-19 na dapat lapatan ng medical na atensyon at gamot.

Anong test kit ang gagamitin natin?

Para kay cong Jocelyn Tulfo, RT-PCR test kits na ang dapat gamitin at hindi lang basta yung mga rapid antibody test kits

Ang rt pcr test kit ay 100 percent accurate sa pagdetect ng COVID-19. Habang ang antibody test mababa sa 100 percent.

Mas mahal nga lang ang mga  RT-PCR test kits

Ang imported po ay nagkakahalaga ng 3,000 hanggang 8000 pesos  kada piraso

Samantala yung RT-PCR test kita na gawa ng mga up scientist natin ay nasa halagang 2,700 hanggang 3,000 pesos. Kaso hindi pa po iyon namamas-produce.

Para kay Tulfo, dapat dumaan pa rin sa bidding under the emergency procurement rules na ang pagbili ng RT-PCR test kits.

Sa tanya ni cong Tulfo aabot ng isa hanggang dalawang buwan ang prosesong ito kung mamadaliin.

Tingin ni cong Tulfo, 2 months pwede na yun. Basta matiyak lang natin na maganda yung kalidad ng RT-PCR test kits na bibilhin natin

Abot kaya ng ating gobyerno

At mabilis na makapaglabas ng resulta

At maraming nakamasid para walang kurapsyon sa procurement process.

Sino ang mga dapat i-test?

Ikategorya natin sa tatlo yung mga dapat itest:

·      Una yung mga nasa pagawaan at mga opisina. Tawagin natin itong - workplace oriented testing

·      Ikalawa, yung mga nakakasalubong natin sa ating komunidad. Tawagain natin itong community-based testing

·      At pangatlo, yung mga vulnerable na kailangang i-house-to-house. Tawagin natin itong household testing

Sa workplace testing – kasamang itetest ang lahat ng mga empleyado ng pribadong sektor na pinayagan nang magbukas ng opisina o factory.

Pati na ang mga empleyado ng national government at local government units.

Prayoridad sa workplace testing ang mga health care frontliners sa mga ospital security guard, building maintenance personnel, at solid waste management personnel (o mga nangongolekta ng basura) 

Sa community-based testing, pipili ang Department of Health ng mga komunidad na iitetest.

·      Kasama sa mga itetest ang mga sumusunod:
·      Public market at sidewalk vendors
·      Tricycle drivers, jeepney drivers at pedicab drivers
·      Tindera at tindero sa sari-sari store.
·      Mga tao sa community-based negosyo gaya ng laundry shop, beauty parlor, barbershop, fitness center, neighborhood grocery stores, auto-detailing shops, tailoring shops, at water refilling station

Sa household testing naman, mga barangay health workers ang uunahing itest. Kasabay ng mga volunteer doctors at medical staff. Sila po kasi yung magbabahay bahay para malaman kung sino ang dapat itest sa  bawat pamilya

Kailan isasagawa ang large-scale testing?

Kapag nabili na ng gobyerno yung RT-PCR test kits heto ang mga susunod na mangyayari

Ang bureau of working conditions and occupational health and safety ng department of labor and employment o do-le ang magiiskedyul ng large-scale testing sa mga pribadong pagawaan at national government agencies.

Do-le rin, in coordination, sa mga city or municpal health office ang mag-iiskedyul ng malawakang testing sa local governmnt units

Pag maayos na ang schedule, sisimulan na ang testing

Sa community-based testing naman, ang mga kapitan ng barangay ang mag-oorganiza at mag-iiskedyul ng malawakang testing sa kanilang lugar

At syempre, during and after the test, may mga protocol na ipatutupad. Kasama na dyan yung ikukwarantine muna ang kinuhanan ng sample habang hinihintay pa ang resulta.

At regular na pagdidisinfect ng mga pagawaan at opisina.

Kailangang matiyak na mabilis na mailalabas ang resulta ng RT-PCR tests.

Ang doh at do-le ang nasa tamang posisyon upang magtakda ng mga nasabing protocols ayon kay cong. Jocelyn Tulfo.

Sino ang gagastos para sa large-scale testing?

Heto ang detalyadong sagot:

Sa workplace testing sa mga opisina ng gobyerno at healthcare frontliners, sagot 100 percent ng philhealth ang gastos sa COVID-19 testing.

Sagot ng gobyerno, mula sa cotton buds na gagamitin, sa ppes, hanggang sa papel kung saan ipiprint yung test results

Sa private sector naman, ganito ang magiging hatian sa gastos:

50 percent ay sasagutin ng philhealth, 25 percent ay sagot ng employer, habang 25 percent lamang ang sagot ng empleyado.

Example: kung ang presyo ng COVID-19 RT-PCR test ay 2,000 pesos, 1000 dito ay sasagutin na ng philhealth, p500 ay sagot ng private employer, at 500 lang ang sasagutin ng empleyado na pwede pang hulug-hulugan.

Mas maganda naman di hamak yang naisip na yan ni cong Tulfo kesa dun sa balak dati ng ilang taga-gobeyrno na ipasagot nang buo sa private sector ang COVID-19 tests.

Sa community-based testing at household testing, maghahati sa gastos ang  Philhealth at ang  LGUs. Walang ilalabas na pera ang mamamayan.

O di ba ang ganda ng panukala? Walang gagastusin ang barangay health workers, basureo, tindera sa palengke, yung mga seniors. Kahit yung mga middle-class sa subdivision, libre din sa testing

Ngayon  kailangang maramdaman ng taumbayan na pinapahalagaahan sila. Na may napapala sila sa buwis na ibinabayad nila.

Siya nga pala, kabilin bilinan  ni cong. Tulfo na ang mga mataas na opisyal ng gobyerno, yung mga nasa rangong salary grade 20 (o yung mga tumatanggap ng based salary na 52 thousand kada buwan), ay hindi libre sa testing.

Sinu ang mga nasa SG 20? Yung mga director level  pataas sa gobyerno, mga congressman, mayor, gobernador, at cabinet secretaries,.

Sa mga pribadong ospital sila magpapatest at babayaran nila nang buo yung halaga ng RT-PCR tests.

Ito ay bilang delicadeza. Para wag na silang makihati pa sa test kits na dapat ay ilaan sa masang hindi kayang magbayad ng COVID-19 tests. (WAKAS)
 

 

--
You received this message because you are subscribed to the Google Groups "CL's Directory" group.
To unsubscribe from this group and stop receiving emails from it, send an email to cldirectory+unsubscribe@googlegroups.com.
To view this discussion on the web visit https://groups.google.com/d/msgid/cldirectory/043b5aaf-66e3-4fb3-a265-04050bdb01cd%40googlegroups.com.
 

No comments: