Sunday, May 31, 2020

REP. BERNADETTE "BH" HERRERA                       
Bagong Henerasyon Party-list
Secretary-General, The Party-list Coalition Foundation, Inc.
Deputy Majority Leader | Governor, Rotary Philippines RID3780
One of House Authors, (RA 11429) Bayanihan to Heal As One Act

0917-729-2437 Twitter: @BHherrerady

Para di tayo mapag-iwanan pag available na ang bakuna

HUMAN TRIALS PARA SA COVID-19 VACCINE INUMPISAHAN NA, PONDO PARA SA PAGBILI NG BAKUNA, PINAHAHANDA NA

Nanawagan si Deputy Majority Leader Bernadette Herrera (Bagong Henerasyon Party-list) sa pamahalaan na paghandaan na ngayon pa lang ang pagbili ng bakuna kontra-COVID-19.

Ginawa ni Herrera ang panawagan sa gitna ng maigting na pandaigdigang pagtutulungan  para makalikha ng mga bakunang papatay sa corona virus.

Inianunsyo kamakailan ng mga higanteng pharmaceutical and research companies na Pfizer at BioNTech na nagsimula na sila sa human trials ng dinedevelop nilang bakuna kontra-COVID-19. Kung magtatagumpay ito, posibleng maging available na ang bakuna bago matapos ang taong ito.

"Dapat ngayon pa lang mag-earmark na ang ating gobyerno ng pondo para sa bakuna, para as soon as  ma-develop ang bakuna may pambili agad. Every moment counts. Any delay would cost lives," paalala ni Herrera.

"Human vaccine trials for COVID-19 are underway. With global efforts poured in, vaccines will be developed soon," ani Herrera.

Giit din ni Herrera, na isa ring Rotary Governor at may karanasan sa pamamahagi ng bakuna kontra naman Poliovirus, "Vaccines administered by government health personnel and hospitals shall be given free of charge, fully subsidized by government."

Dagdag pa ni Herrera: "Vaccines administered by government health personnel and hospitals shall be given free of charge, fully subsidized by government."

Diin Herrera, habang ipanuubaya natin sa mga siyentipiko ang scientific details at protocols ng bakuna, kailangang handa ang gobyerno ng Pilipinas na pagbili ng anti-COVID-19 vaccine para sa lahat ng Pilipinong mangangailangan nito, mayaman man o mahirap.  Para hindi tayo mapag-iwanan. (WAKAS) - https://pr.mikeligalig.com

No comments: